Praymer sa Sapilitang Pagklikas sa Loob ng Pilipinas
Ang Pagkasira ng buhay ng mga tao, pamilya at komunidad sanhi ng armadong labanan at marahas na pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran ay lumilikha ng sugat sa isipan at damdamin ng mga apektado. Ang pangangalaga sa mga tao na napilitang umalis sa kanilang mga tahanan at pamayanan dahil sa militarisasyon, malawakang paglabag sa karapatang pantao at iba pang kaganapan na nakasisira sa pangkaraniwang daloy ng buhay-komunidad ay isa sa mga mahalagang hamon sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa Pilipinas sa Kasalukuyan.